dzme1530.ph

Michelle Yeoh, kauna-unahang Asian na nanalo ng best actress sa Oscars

Wagi si Michelle Yeoh bilang best actress sa Oscars para sa pelikulang “Everything Everywhere All At Once,” dahilan para tanghalin bilang kauna-unahang Asian na nagkamit ng naturang award.

Si Michelle din ang ikalawang Woman of Color na nanalo ng best actress sa Academy Awards.

Sa kanyang acceptance speech, sinabi ng Asian actress, partikular sa kababaihan na huwag hayaang sabihan sila ng iba na nalipasan na ng panahon.

“Never give up!” aniya na umani ng masigabong palakpakan mula sa crowd.

Inialay ni Michelle ang kanyang award sa kanyang 84 years old na nanay sa Malaysia at sa lahat ng nanay sa buong mundo na totoo aniyang superheroes.

About The Author