![]()
Naniniwala si House Minority Leader Antonio Tinio ng ACT Teachers Party-List, na ‘Plan B’ ng Duterte family para sa 2028 ang pag-upo ni Davao City Mayor Serbastian “Baste” Duterte bilang bagong presidente ng Partido Demokratiko Pilipino o PDP Laban.
Ayon kay Tinio ang “Plan B” ng mga Duterte ay pagpapakita na kabado na sila sa posibilidad na ma-impeach at magtuloy-tuloy ang conviction sa Senado ni VP Sara.
Mauudlot umano ang presidential bid nito dahil kasama ng impeachment ang removal from office at perpetual disqualifi-cation from holding any public position.
Sa tingin pa ni Tinio, kaya inilukluk na PDP president si baste at may binuo pang koalisyon ay para bigyan ng national platform ang isa pang Duterte.
Gayunman, kailangan umanong makita din ito ng publiko na maaga na namang pamumulitika o pangangampanya ang ginagawa ng isa pang Duterte.
