dzme1530.ph

Mayor Alice Guo, kaisa ng PAOCC sa paglalabas ng katotohanan at pananaig ng hustisya

Tiniyak ng kampo ni suspended Bamban City Mayor Alice Guo na kaisa ito ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa paglalabas ng katotohanan at pananaig ng hustisya.

Ito ang inihayag ng abogado ni Guo na si Atty. Lorelei Santos sa pagpapasa ng Clarification Letter sa Records Office ng Malakanyang ngayong Hunyo 18.

Bukod dito, kinumpirma rin ni Santos na ang patas na imbestigasyon ang nilalaman ng hinihiling sa liham.

Kasama na rin dito ang pagiggiit na siya ay inosente sa harap ng mga alegasyon sa pagkakadawit ng kanyang kliente sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO), money laundering, human trafficking, at kidnapping.

Samantala, tumanggi nang sumagot ang abogado nang tanungin kung bakit kinailangan nitong humiling ng patas na imbestigasyon mula sa PAOCC.

About The Author