dzme1530.ph

Mas malalim na imbestigasyon sa pagbiyahe ng MT Princess Empress, dapat isagawa

Dapat magsagawa ng mas malalim na imbestigasyon ang pamahalaan upang alamin kung sinong ahensiya ng pamahalaan ang may pananagutan sa pagbiyahe at paglubog ng MT Princess Empress na nagdulot ng oil spill sa Oriental Mindoro.

Matapos kuwestiyonin ang proseso ng akreditasyon ng Maritime Industry Authority (MARINA) sa mga barko at mga tauhan, sinabi ni Escudero na kailangang busisiin din ang motibo ng Philippine Coast Guard (PCG) na tila isinantabi ang kapakanan ng publiko at ng kalikasan.

Hindi na anya siya magugulat kung lalabas na pinatakbo ng pera ang naging proseso sa MT Princess Empress.

About The Author