dzme1530.ph

Kalayaan Islands, bukas na para sa turismo

Binuksan na ng Kalayaan Group of Islands LGU ang kanilang lugar para sa turismo.

Sa pamamagitan ng Great Kalayaan Expedition Project, target ng Kalayaan LGU na mapabilang ang West Philippine Sea sa mga popular na tourist destination ng Pilipinas.

Unang ginawa ang ekspedisyon nitong Huwebes gamit ang BRP Melchora Aquino, ang pinakamalaking barko ng Philippine Coast Guard (PCG).

Kasama dito ang mga miyembro ng technical working group ng Kalayaan tourism, representatives mula sa Palawan Provincial Tourism Office at Palawan Council for Sustainable Development, at mga eksperto sa game fishing at recreational diving.

Gayunman, aminado ang mga ito na malaking isyu ang seguridad sa isla dahil sa presensya ng Chinese vessels.

About The Author