dzme1530.ph

Mas mabigat na trapiko, asahan hanggang sa “ber” months bunsod ng rehabilitasyon sa EDSA

Loading

Asahan ng mga commuter at mga motorista ang mas mabigat na trapiko hanggang “ber” months bunsod ng nakatakdang pagkukumpuni sa ilang bahagi ng EDSA sa katapusan ng Marso.

Sasailalim ang ilang bahagi ng pangunahing kalsada sa extensive road repair simula sa EDSA Busway Northbound Lane mula sa Balintawak patungong Monumento.

Sinabi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan na papalitan ang EDSA Busway ng bago at mas matibay na semento.

Samantala, 15 segments ang kukumpunihin sa Southbound Lane ng EDSA.

Pagkatapos ng repair sa EDSA Busway, isusunod naman ang mga natitirang lanes hanggang sa outer lane.

Inihayag ng DPWH na palalawakin din nila ang drainage system ng EDSA.

About The Author