dzme1530.ph

Manibela, magsasampa ng kontra-demanda laban sa QCPD

Maghahain ng kontra-demanda ang Presidente ng Transport group na Manibela laban sa Quezon City Police District (QCPD) kaugnay ng girian na nangyari sa kanilang kilos-protesta sa labas ng Batasang Pambansa.

Sinabi ni Manibela President Mar Valbuena na imbes na isandaang metro ang layo ng mga pulis ay nakadikit ang mga ito at pinagpapalo ang kanilang mga kasamahan.

Aniya, kung makakakuha sila ng kopya ng reklamo ay maghahain sila ng counter charges laban sa QCPD sa Office of the Ombudsman at Commission on Human Rights.

Una nang inihayag ng QCPD na nagsampa sila ng reklamo laban kay Valbuena at sa dalawang iba pa kaugnay ng naturang protesta.

Gayunman, binigyang diin ng manibela na hindi nila masagot ang reklamo dahil wala pa naman silang natatanggap na kopya.

About The Author