Niyanig ng Magnitude 4.8 na lindol ang bayan ng Mamburao, sa Occidental Mindoro, dakong ala-7 kagabi.
Natunton ng PHIVOLCS ang epicenter ng lindol na tectonic in origin, 25 kilometers southwest ng Mamburao, at may lalim na 21 kilometers.
Naramdaman ang intensity 4 sa Puerto Galera, Oriental Mindoro.
Naitala rin ang instrumental intensity 4 sa Mamburao; at Calapan City, Oriental Mindoro habang instrumental intensity 3 sa Puerto Galera; at Abra de Ilog, Occidental Mindoro.
Samantala, una nang inuga ng magnitude 4.7 na lindol ang kaparehong lugar, dakong alas-4 ng hapon, kahapon.