dzme1530.ph

Malacañang, nakikiisa sa pagdiriwang ng World Autism Awareness Day

Nakikiisa ang Malacañang sa global community sa paggunita ng World Autism Awareness Day ngayong April 2.

Sa social media post, hinikayat ng Presidential Communications Office ang lahat na ipagdiwang ang kontribusyon ng mga Pilipino na may autism.

Hiniling din nito ang pagtataguyod ng suporta para sa kanila at kanilang mga pamilya.

Ayon sa Autism Society Philippines, nasa 1.2 million o isa sa kada 100 Pilipino ang autistic.

About The Author