dzme1530.ph

Mahigit 80 chinese nationals mula sa iligal na POGOs, naitapon na pabalik sa kanilang bansa

84 na Chinese nationals mula sa Illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) ang dineport pabalik ng China ngayong Biyernes.

Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), ang mga Tsino ay mula sa sinalakay na POGOs sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga.

Sinabi ni PAOCC Spokesperson, Dr. Winston Casio, na halos kalahati ng mga dineport na Chinese nationals ay maiiwan sa Shanghai habang ang iba ay pupunta sa Xi’An.

Idinagdag ni Casio na 88 dapat ang inisyal na ide-deport subalit 4 ang pinababa matapos gumawa ng gulo sa loob ng eroplano.  —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author