dzme1530.ph

Mahigit 700 special permits sa mga bus sa darating na Semana Santa, kasado na

Nag-release ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mahigit 700 special permits upang madagdagan ang bilang ng mga bus na bibiyahe sa iba’t ibang lalawigan sa mahal na araw.

Sa Public Briefing, sinabi ni Joel Bolano, Chief ng LTFRB Technical Division, na naglabas sila ng special permits para sa 712 units na maaring gamitin simula March 31 hanggang April 17.

Mag-iikot din ang mga opisyal at tauhan ng LTFRB sa mga bus terminal para inspeksyunin ang mga pasilidad kung handa na sa pagdagsa ng mga pasahero na magbabakasyon sa mga probinsya sa Semana Santa.

About The Author