dzme1530.ph

Mahigit 30 katao patay sa malnutrisyon at dehydration sa Gaza

Nasawi ang mahigit 30 katao dahil sa malnutrisyon at dehydration sa iba’t ibang ospital sa Gaza.

Sa Kamal Adwan at Shifa Hospital, halos 20 ang namatay kung saan, karamihan dito ay mga bata na edad 15.

16 naman na premature babies ang binawian ng buhay sa kaparehong dahilan sa Emirati Hospital.

Mababatid na pinigilan ng Israel ang pagpasok ng pagkain, tubig, gamot, at iba pang mga supply sa Gaza, matapos nitong simulan ang pag-salakay sa lugar bunsod ng pag-atake ng Grupong Hamas noong Oktubre nang nakaraang taon.

About The Author