dzme1530.ph

Mag-asawa patay, matapos pagbabarilin sa Cebu

Patay ang isang Barangay Chairman at asawa nito matapos paulanan ng bala ng riding-in-tandem habang sakay ng kanilang motorsiklo sa Cebu City.

Kinilala ang dalawang nasawi na sina brgy. Manguiao Chairman Mario Tundag, edad 57, at misis nitong si Edna, 49-anyos.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, sinundan ng mga suspek ang mga biktima mula balmban hanggang makarating sa Brgy. Poblacion Uno, Asturias kung saan naganap ang krimen.

Inaalam pa ng mga otoridad ang posibleng motibo sa pagpatay sa mag-asawa kasabay nang pagsasagawa ng checkpoints sa lungsod upang madakip ang mga nakatakas na suspek.

About The Author