dzme1530.ph

Liza Soberano balik-bansa kasama si James Reid para sa Mall Show

Nasa Pilipinas ngayon si Liza Soberano para sa kanyang mall show at upcoming activities sa Cebu kasama ang kanyang kapwa Careless Music Artist na si James Reid.

Sa Instagram Stories, ibinahagi ng aktres ang kanyang pamamalagi sa bansa sabay din nitong inanyayahan ang kanyang mga fans na samahan sila para sa “whole lot of exciting activities” sa probinsya.

Inimbitahan din ni James Reid ang kanyang mga Fans sa pamamagitan ng IG Story para sa nasabing Mall Show at mga naka-linyang activities sa Cebu para sa pagdiriwang ng Sinulog Festival sa susunod na linggo.

Matatandaang ang record label na Careless Music na pagmamay-ari ni James Reid ang nag mamanage sa carrer ni Liza Soberano na kamakailan ay nasa ibang bansa para makipagpulong iba’t-ibang celebities abroad.

 

About The Author