Masyadong mahaba ang limang minutong power interruption sa mga terminal sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Pahayag ito ni Transportation Sec. Vince Dizon, kasabay ng pagsasabing hindi katanggap-tanggap ang nangyaring power outage sa lahat ng tatlong terminals sa NAIA, kahapon ng umaga.
Sa press conference, sinabi ni Dizon na sa loob lamang ng isang minuto ay dapat gumana na ang generator.
Gayunman, pinasalamatan ng Kalihim ang operator ng paliparan, na New Naia Infra Corp. (NNIC) para sa paghahanap ng long-term solution.
Inihayag ni Dizon na pinag-aaralan na ng NNIC na direktang komunekta sa National Grid dahil sadyang malaki ang power requirement ng airport.