dzme1530.ph

Justine Baltazar, Will Gozum, at BJ Andrade, maglalaro sa Dubai International

Maglalaro na sa 32nd Dubai International Basketball Championship ang College Standouts na sina Justine Baltazar, Will Gozum, at BJ Andrade.

Babandera ang tatlo para sa Strong Group Philippines, sa pamumuno ni Coach Charles Tiu na siya ring coach ni Gozum sa College of Saint Benilde Blazers sa NCAA.

Makakasama nila sa koponan ang former NBA Players na sina Nick Young at Renaldo Balkman.

Bukod dito, babandera rin para sa Strong Group sina reigning UAAP Finals MVP Ange Kouame, Inand Fornilos, at Sedrick Barefield.

Gaganapin ang Dubai Championship sa Enero a-bente siete hanggang Pebrero a-singko at susubukin ng Strong Group na sundan ang kampyonato ng Mighty Sports Philippines noong 2020.

About The Author