dzme1530.ph

LAKING V-22 MASTERBRAND ng Belman Laboratories, inilunsad

Photo courtesy: themanilafeed.com

Inilusad ng Belman Laboratories ang pinakabagong “Laking V-22 Masterbrand” nitong Biyernes, Agosto 25, na ginanap sa Limbaga 77 Cafe and Restaurant sa Quezon City.

📷 LakingV22/ Facebook Page

Kabilang sa mga produktong ito ay ang Laking V-22 VitaTablets (vitamins at mineral), SakitBuster (para sa chronic pulmonary disease), Purgaling (para sa bulate), Kasado (B Complex), Bone Builder (para sa muscles at calcium), Siglakas (Vitamin B12) , Pulmotect (para sa repiratory issues), Hydrolite (electrolyte at vitamins), VitaPowder Jr. (para sa balanseng paglaki), Bone Builder Jr. (Strong Bones), at Pulmotect Jr. (upang ihinto ang respiratory disease).

📷 White kelso tv
📷 White kelso tv

Ang nasabing mga produkto ay makakatulong upang mapalakas ang kalusugan at resistensya ng mga manok na panabong at mapahusay ang performance nito hanggang sa araw ng laban. Layon din nito na tulungan sa pag-aalaga at tugunan ang iba mga pangangailangan ng mga modern gamefarm owner.

Ipinakilala naman ng Vice President ng Belman Laboratories na si Ms. Renee King-Rodriguez sa nasabing aktibidad ang mga tao sa likod Belman Laboratories upang makapagbigay ng dekalidad na produkto at serbisyo kasama sina Belman Laboratories National Sales Manager, Mr. Carlo Dimayuga, Product Technical Head Mr. Mark Tabilisma.

Tampok din ang pagpapakilala sa Laking V-22 Brand Ambassadors na sina Mr. Nicolas Crisostomo, Pangulo ng LGBA at si Mr. Matthew Tormo, WPC Late Born 2022 Champion at ang aktor na si Long Mejia bilang special guest.

Sa kasalukuyan, mabibili ang bagong 11 products sa agrivet stores nationwide.

Sa loob ng 50 taon sa industrya, ang Belman Laboratories ay patuloy sa paglikha ng mga Animal Healthcare Products upang mapataas ang antas at kalidad na mga produkto na makakatulong sa industriya ng pagsasabong sa bansa.

Para sa iba pang mga detalye, bisitahin ang kanilang official Facebook Page www.facebook.com/LakingV22

About The Author