dzme1530.ph

Kylie Versoza, inamin na nag-date sila noon ni Marco Gumabao

Hindi maikakaila ang chemistry sa pagitan nina Kylie Verzosa at Marco Gumabao na bida sa pelikulang “Baby Boy, Baby Girl,” kaya naman marami ang nag-isip kung nagkaroon ba ng ugnayan ang dalawa.

Dahil dito, inamin ni Kylie na nag-date nga sila noon ni Marco, mga dalawang taon aniya bago siya pumasok sa seryosong relasyon sa ex-boyfriend na si Jake Cuenca.

Sinabi ni Kylie na sinubukan nila noon ni Marco pero hindi umubra dahil mga bata pa sila.

Gayunman, ayon sa dating beauty queen, ay nanatili silang mabuting magkaibigan at nakita niya kung paano ito nag-grow bilang aktor.

Inilarawan din ni Kylie si Marco bilang “smart and very level-headed.”

About The Author