dzme1530.ph

Korean-American Star Ma Dong-Seok, bibisita sa Pilipinas

Dadalhin ni dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson sa Pilipinas ang Korean-american star na si Ma Dong-Seok na sumikat sa kanyang breakout role sa pelikulang “Train to Busan” noong 2016.

Sinabi ng former politician and businessman na inimbitahan niya ang aktor na bumisita sa Pilipinas, nang magkita sila nito kasama si filipino boxing legend at dating Senador Manny Pacquiao.

Inihayag ni singson na nais niyang ipakita kay ma ang ganda ng Pilipinas at umaasang ang pagbisita nito sa bansa ay magreresulta ng mas maraming business collaborations sa hinaharap.

Kabilang din sa mga naka-meeting nina Singson at Pacquiao ang ilan pang business associates at Korean Superstars, gaya nina Lee Seung-Gi at Nancy Mcdonie mula sa na-disband na girl group na Momoland.

 

About The Author