dzme1530.ph

Kamara, target maipasa sa huling pagbasa ang panukalang 2025 budget sa Sept. 25

Target ng Kamara na maaprubahan ang proposed 6.352-trillion peso 2025 national budget sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Sept. 25.

Ayon kay House Appropriations Committee Senior Vice Chairperson at Marikina Rep. Stella Quimbo, nakatakdang isalang sa plenary debates ang 2025 General Appropriations Bill (GAB) simula sa Lunes, Sept. 16.

Aniya, tatagal ang debate sa plenaryo hanggang sa Sept. 25.

Karaniwan nang sinisertipikahan bilang urgent ng Pangulo ang budget bill upang bilisan ng Kongreso ang proseso sa pamamagitan ng pag-apruba sa ikalawa at ikatlong pagbasa sa kaparehong araw. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author