dzme1530.ph

DATING DPWH ENGINEER BRIAN HERNANDEZ AT ANIM NA IBA PA, NAGPASOK NG NOT GUILTY PLEA SA KASONG GRAFT

Loading

Nagpasok ng not guilty plea sa kasong graft si dating DPWH District Engineer Brice Hernandez at anim pang dating tauhan ng Bulacan First District Engineering Office.

May kaugnayan ito sa ₱77 million na ghost flood control project sa Balagtas, Bulacan na kinasasangkutan din ni dating Cong. Zaldy Co.

Bukod kay Hernandez, naghain din ng not guilty plea sina dating DPWH officials Jaypee Mendoza at Juanito Mendoza kasama ang mga tauhang isinailalim sa floating status na sina Arjay Domasig, Niño Morales, Floralyn Simbulan at Christina Pineda.

Binigyan din ng Sandiganbayan ng sampung araw ang mga opisyal na nasa floating status upang magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat patawan ng preventive suspension.

Sa pagdinig kanina, ipinunto ng depensa ang criminal information na walang piyansang inirekomenda kahit bailable offense naman ang graft.

Hiniling naman ng prosekusyon sa korte na amyendahan ang information at ilagay ang fixed bail na ₱90 thousand.

About The Author