dzme1530.ph

Kadiwa ng Pangulo stalls, inilunsad sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila

Nagbabalik sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila ang Kadiwa ng Pangulo tampok ang mga mura at sariwang produkto.

Simula noong Lunes March 18 hanggang sa Miyerkoles Santo sa March 27, naka-pwesto ang Kadiwa stalls sa iba’t ibang lugar sa Maynila, Mandaluyong City, Quezon City, Las Piñas City, Caloocan City, Pasig City, Makati City, at iba pang lungsod sa National Capital Region (NCR).

Kaugnay dito, hinikayat ang mga residente na bisitahin ang official Facebook page ng Department of Agriculture (DA) upang makita ang buong schedule at eksaktong lokasyon ng Kadiwa stores.

Ang Kadiwa sa NCR ay pinangasiwaan ng DA, Department of Trade and Industry, Department of Social Welfare and Development, Department of Labor and Employment, at Department of the Interior and Local Government.

About The Author