![]()
IDO-DONATE ng mga miyembro ng Senate Majority Bloc sa pangunguna ni Senate President Pro Tempore Sherwin Gatchalian ang isang buwan nilang sweldo para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.
Sa joint statement ng Senate Majority bloc, inimbitahan din nila ang mga miyembro ng minorya na makipagtulungan sa kanilang pagsisikap na matulungan ang mga biktima.
Iginiit ng bloke na bagama’t maliit na kontribusyon lamang ito ay umaasa silang mararamdaman ng mga biktima ang kanilang malasakit.
Idinagdag pa nila na ito ang panahon na kahit magkakaiba ang posisyon ay dapat magtulungan ang mga senador para umayuda sa mga kababayang nahihirapan.
Bukod sa financial value, nais iparating ng senate majority bloc na hindi nagsosolo ang mga Mindanao sa kinakaharap nilang sitwasyon.
Binanggit ng mga senador na naniniwala silang ang unang hakbang ng sinserong pakikiramay ay ang ipaabot sa mga taga-Mindanao ang mensaheng handa ang pamahalaang tumulong sa oras ng pangangailangan.
Pinalawak pa ng senate majority bloc ang kanilang panawagan sa mga chamber para sa pagdarasalm donasyon at iba pang tulong sa Mindanao.
Nakikipag ugnayan na rin ang grupo sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang matukoy ang kinakailangang suporta sa mga biktima.
