dzme1530.ph

Investment Fund para sa OFWs isinusulong sa Kamara

Sa kabila ng mainit na isyu sa Maharlika Investment Fund (MIF), isang panukala pa sa kamara ang isinulong para naman sa Overseas Filipino Worker Sovereign Fund.

Sa House Bill no. 6804 na inakda ni Parañaque Rep. Edwin Olivarez, tinukoy nito sa explanatory note ng panukala na mahigit 10 milyon ang OFWs, kung saan ang remittances ay napaka laking tulong sa ekonomiya ng bansa.

Dahil dyan, hinimok ni Olivarez ang mga OFW na mag-invest na rin sa Sovereign Fund na malaki ang magiging pakinabang sa mismong mga OFW, pamilya nito at pamahalaan.

Tiniyak din ni Olivarez na ligtas mag-invest sa OFW Sovereign Fund bukod pa sa pakinabang nito sa kanilang pamilya at job-generation gaya ng industrial at agricultural sectors.

Iniuutos din sa panukala ang koordinasyon ng Bureau Of Treasury, Department of Budget and Management (DBM) at Commission on Audit (COA) para magsagawa ng accounting sa lahat ng resibo at disbursements mula sa OFW sovereign fund.

Kung ganap na maging batas, walang pondo mula sa OFW Sovereign Fund ang pwedeng galawin ng gobyerno ng wala sa listahan ng paglalagakan, at Tax exempt din ang interest income at iba pang earnings mula sa investments.

About The Author