Nilinaw ni House Minority Floor Leader Marcelino Libanan ang isyu ukol sa larawan ni Presidential Son Vincent “Vinny” Marcos sa pulong ng Minority Bloc.
Ayon kay Libanan, kinatawan ng 4Ps Party-List, inabisuhan sila na itinalaga ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ng batang Marcos bilang Special Assistant to the Speaker.
Dahil diyan hiniling umano ni Romualdez kay Libanan na i-brief ang presidential son sa functions ng Minority Bloc.
Para kay Libanan, ipinapakita lamang nito na bagaman at may pagkakaiba ng pananaw ang mayorya at minorya, ay maari pa rin silang magkasundo.
Si Vincent Marcos ang bunso ng anak ng Pangulo ay unang nagtrabaho bilang software engineer sa singapore bago bumalik sa Pilipinas noong 2022 para tumulong sa kanyang ama ng tumakbo sa pagka presidente ng bansa.
Samantala, ngayong umaga naglabas din ng pahayag si Speaker Romualdez at kinumpirma na si William Vincent Marcos ay intern sa kanyang tanggapan, at dadaan sa legislative training process.