dzme1530.ph

Loading

Nangako si Impeachment Court Presiding Officer Francis Chiz Escudero na pagsasabihan si Atty. Reginald Tongol, ang tagapagsalita ng Impeachment Court.

Ito ay makaraang hilingin ni Senator Judge Raffy Tulfo na i-admonish si Tongol dahil sa paglalabas ng iba’t ibang impormasyon sa media.

May kinalaman ito sa naging pahayag ni Tongol na maglalabas na ng verdict ang Impeachment Court bago ang December 16.

Sinabi ni Escudero na ang naging pahayag ni Tongol ay ibinatay sa pre-trial order na nagtakda ng schedule ng proceedings.

Gayunman, nilinaw niya na ang naging pahayag ni Tongol ay hindi stand ng Impeachment Court.

Nanindigan si Tulfo na dapat warningan si Tongol dahil maraming beses na aniya siyang pumapalpak.

About The Author