Kinumpirma ni House Sec. Gen. Reginald Velasco na humingi ng travel clearance si Davao City 1st. Dist. Rep. Paolo Duterte sa biyahe nito sa The Netherlands at Japan.
Ang sulat na may petsang March 11, 2025 ay naka-address kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Nakasaad sa sulat, na ipinadala sa pamamagitan ng electronic mail, na bigyan siya ng Travel Clearance para sa kanyang personal trip sa The Netherlands at Japan mula March 12 hanggang April 15, 2025.
Nakasaad rin na ang lahat ng gastos sa personal trip ay magmumula sa kanyang personal funds.
Sinabi naman ni Sec. Gen. Velasco na bago pa man niya pirmahan ang travel authority ni Pulong ay nakalipad na ito na tinawag naman niyang normal.
Una nito nabalita na kaninang umaga, lumipad si Polong patungong Netherlands para sundan ang ama na ibinyahe kagabi patungong The Hague.
Kinumpirma din ng Office of the Vice President ang biyahe ni VP Sara pa-Amterdam subalit hindi nito kasabay sa byahe ang kapatid na kongresista.