![]()
Pinag-iisipang mabuti ng prosecution team kung gagamitin pa nilang testigo sa misuse of confidential funds si Col. Raymund Dante Lachica.
Inamin ni Prosecutor Joel Chua na may nakikita silang risk kay Lachica kung gagawin ito bilang hostile witness.
Kahapon ay tinapos na ng prosekusyon si Gina Acosta, ang dating SDO ng OVP, na paulit-ulit na nagbanggit sa pangalan ni Col. Lachica bilang binigyan nito ng kabuuahang P500-M confidential funds.
Para kay Chua, ang pag-amin ni Acosta na kay Lachica napunta ang tig-P125-M o kabuuahang P500-M secret funds ay sapat na at na-establish na nila ang crucial point sa misuse charge.
Aniya, kahit ano pang paliwanag ang gawin ni Lachica, ang malinaw dito ay hindi siya otorisado na mag-disburse, kaya maliwanag na may misuse at paglabag sa Joint Circular.
Ang kaibahan umano nina Acosta at Edward Fajardo kay Lachica, ang unang dalawa ay may sworn House testimony, habang ang security officer ay wala, kaya mapanganib kung gagawin siyang hostile witness.
