dzme1530.ph

Holy Month of Ramadan, magsisimula bukas

Inanunsyo ng Deputy Mufti of the Bangsamoro ang pagsisimula ng Holy Islamic Month of Ramadan, bukas, araw ng Huwebes, March 23.

Ginawa ni Deputy Mufti Abdulrauf Guialani ang anunsyo makaraan ang traditional moon-sighting activity, kagabi.

Sa buwan ng Ramadan ay nagsasagawa ang mga Muslim ng Spiritual Reflection, sa pamamagitan nang pagdarasal, pag-aayuno, at pag-iwas mula sa mga makasalanang gawain.

Samantala, nagtatapos naman ang Holy Month sa pamamagitan ng kapistahan ng Eid’l Fitr.

About The Author