![]()
“Disrespectful” para kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang pagbisita nina US envoys Steve Witkoff at Jared Kushner sa Moscow pero hindi sa Kyiv.
Bumisita ang dalawa sa kabisera ng Russia noong nakaraan para sa ceasefire, habang walong beses nang nakapunta si Witkoff sa Moscow at nakausap si Russian President Vladimir Putin sa maraming okasyon.
Gayunman, sinabi ni Zelensky na wala ni isa kina Witkoff o Kushner ang nag-abalang bumisita sa Kyiv sa isang official capacity.
Idinagdag ng Ukrainian President na batid niya na mayroong silang complex logistics subalit maaari naman aniya silang mag-usap sa ibang mga bansa.
Si Witkoff na dating real estate magnate ay special envoy ni US President Donald Trump habang si Kushner ay son-in-law ng US President.
