![]()
Nangako ang Ombudsman na kanilang tututulan ang mosyon ni dating House Speaker Martin Romualdez para sa hospital detention.
Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, hihilingin din nila na magpadala ng team ng government doctors upang i-assess ang kalusugan ng kongresista kung kailangan pa nito ng confinement sa pagamutan.
Ipinaliwanag ni Clavano na kung maaari namang i-manage sa labas ng ospital ay hihilingin nilang mailipat na sa regular detention facility ang mambabatas.
Si Romualdez ay kasalukuyang naka-confine sa Cardinal Santos Medical Center kung saan siya inaresto dahil sa kasong 7.4 billion pesos na plunder case.
Sa siyam na pahinang manifestation sa Sandiganbayan, hiniling ni Romualdez na pagbigyan ang kanyang continued hospital confinement dahil sa kanyang cardiovascular health and brain condition.
