dzme1530.ph

Higit P3.4-M halaga ng hinihinalang shabu nasabat sa Parañaque City

Timbog ang tatlong drug suspect sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga operatiba ng PDEA district office ng NCR sa pakikipag tulongan ng Philippine National Police sa lungsod ng Parañaque.

Sa inisyal na impormasyon ng PDEA kumagat sa pain ng mga awtoridad ang mga suspect sa isinagawang operasyon sa parking basement ng isang mall sa Bicutan, Brgy. Don Bosco sa lungsod ng Parañaque.

Lulan ang mga suspect ng kulay itim na kotse kung saan matagumpay na naaresto ang mga suspect na di pa pinangalanan.

Nakumpiska mula sa mga suspect ang tinatayang 500 grams na hinihinalang shabu ng may street value na aabot sa P3.4-million ang halaga nito.

Mahaharap ang mga suspect sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Binigyan diin ni Brgy. Chairman Mar Jimenez na mahigpit nilang tinututukan ang pagmomonitor upang masawata ang mga iligal na aktibidad na may kaugnayan sa illegal drugs.

About The Author