dzme1530.ph

4 Pinoy seafarers na lulan ng barkong sinalakay ng Iran, malapit nang makalaya

Malapit nang makalaya ang apat na Filipino seafarers na kabilang sa mga crew na sakay ng barkong sinalakay ng Iran nitong nakaraang linggo.

Sinabi ni Dept. of Foreign Affairs Usec. Eduardo De Vega na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa Embahada ng Iran, kung saan makakausap niya at ni DFA Sec. Enrique Manalo ang Iranian Ambassador ngayong araw.

Ayon sa Embahada sa Iran, hindi lang ang apat na Pilipino ang malapit nang palayain kundi maging ang lahat ng nasa barko.

Sa ngayon, nasa mabuti aniyang kalagayan ang nasabing mga Pinoy.

About The Author