dzme1530.ph

Gumuho na gusali sa Saudi Arabia, walang Pinoy na nadamay

Walang Pilipino ang nasugatan sa insidente ng pagguho ng gusali sa Jeddah, Saudi Arabia noong Biyernes, Mayo 31.

Binisita ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac ng personal ang site ng pinangyarihan ng pagguho at ang mga kalapit na ospital upang suriin kung may mga Pilipinong nadamay sa insidente.

Ayon kay Cacdac iniulat ng local media na hindi bababa sa walong katao ang nailigtas mula sa gumuhong istraktura.

Tinitiyak ng MWO-Jeddah na patuloy nilang susubaybayan ang sitwasyon at nananatili silang nakikipag-ugnayan sa Jeddah police, medical, at emergency services agencies para matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino sa nasabing bansa.

About The Author