dzme1530.ph

Gobyerno, pinakikilos laban sa rice repacking scam

Loading

Iginiit ni Sen. Sherwin Gatchalian ang pangangailangan para sa mas mabilis at matibay na aksyon mula sa mga ahensya ng gobyerno kaugnay ng rice repacking scam na naglalayong linlangin ang mga mamimili at makakuha ng labis na kita.

Binigyang-diin ni Gatchalian na ang panlilinlang na ito ay hindi lamang simpleng hoarding o profiteering, kundi direktang pag-atake sa mga Pilipino na labis nang naaapektuhan ng tumataas na presyo ng pagkain.

Kaugnay nito, hinimok niya ang Department of Agriculture, National Food Authority, at Department of Trade and Industry na paigtingin ang inspeksyon at makipag-ugnayan nang mabuti sa mga ahensya ng law enforcement upang masugpo ang problemang ito.

Binigyang-diin pa ng senador ang kahalagahan ng agarang pagtugon sa isyung ito dahil sa epekto nito sa kapakanan ng mga mamimili.

Hindi anya katanggap-tanggap na nagbabayad ang mga konsyumer ng kanilang pinaghirapang pera para sa bigas na hindi naman totoo sa kalidad o presyo.

About The Author