dzme1530.ph

Flood control structure at P180-M halaga ng relief supplies, nakahanda na sa Region 3 sa harap ng tag-ulan

Tiniyak ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kahandaan ng gobyerno para sa tag-ulan, partikular para sa Central Luzon na kalimitang nakararanas ng mga matinding pag-ulan at pagbaha.

Sa kanyang talumpati sa pamamahagi ng presidential assistance sa Aurora, inihayag ng Pangulo na naka-preposition na ang ₱180-M halaga ng relief supplies para sa buong Region 3.

Bukod dito, sinabi ni Marcos na nakumpleto na rin ang Aguang River Flood Control Structure Project sa Baler.

Makatutulong umano itong mapigilan ang matinding pagbaha at malaking pinsala mula sa pag-apaw ng Aguang River.

Samantala, iniulat din ni Marcos ang iba pang proyekto sa Aurora kabilang ang pagpapa-semento ng kalsadang nag-uugnay sa mga taniman ng niyog mula sa bayan ng dinalungan patungo sa iba’t ibang pamilihan.

Halos kalahati na rin umano ang natapos sa Dingalan–Baler Road project na nagkakahalaga ng mahigit ₱4-B, na magbibigay-daan sa mas mabilis na paghahatid ng kalakal, transportasyon, at mas masiglang turismo sa lalawigan.

About The Author