dzme1530.ph

Filipino citizenship ni Mayor Alice Guo, nakabatay sa nationality ng kanyang Ina

Nakabatay ang Filipino citizenship ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa nationality ng kanyang ina na si Amelia Leal Guo.

Pahayag ito ni Retired Supreme Court Associate Justice Vicente Mendoza, kasabay ng paliwanag na sapat na kay Guo na mayroon itong Pilipinong Ina, sa ilalim ng 1987 Constitution.

Una nang idineklara ng Alkalde sa Senado na Chinese ang kanyang Ama at Pilipino ang kanyang Ina.

Idinagdag ng retiradong mahistrado na mahalagang ma-establish ni Guo ang kanyang citizenship dahil sa national security concerns.

Iniimbestigahan na ng Office of the Solicitor General, kung mayroong sapat na grounds para maghain ng quo warranto proceeding laban sa kontrobersyal na Alkalde.

 

 

About The Author