dzme1530.ph

Presyo ng gulay, posibleng tumaas kasunod ng pananalasa ng bagyong Aghon

Posibleng tumaas ang presyo ng mga gulay kasunod ng pananalasa ng bagyong Aghon sa tatlong rehiyon sa bansa.

Sa pagtaya ni Department of Agriculture Assistant Secretary U-Nichols Manalo, limang piso kada kilo ang maaaring itaas sa retail price ng apektadong lowland vegetables mula sa CALABARZON, MIMAROPA, at Eastern Visayas.

Nilinaw ni Manalo na sapat ang suplay ng mga gulay sa merkado subalit ang kailangang bantayan aniya ay ang mga maaaring magsamantala sa sitwasyon.

Idinagdag ng opisyal na nasa 21,000 ektarya ng taniman sa tatlong rehiyon ang nalagay sa alanganin, bagaman hinihintay pa ng D-A Central Office ang reports ng field offices hinggil sa lawak ng pinsala sa mga pananim.

About The Author