dzme1530.ph

Kampo ni Mayor Alice Guo, maglalabas ng litrato ng ina ng alkalde para patunayan na ito ay Pilipino

Magpi-prisinta ang kampo ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ng mga litrato para patunayan na Pilipino ang ina ng Alkalde.

Umaasa si Atty. Stephen David, abogado ni Guo, na lulutang din ang ina ng kanyang kliyente upang maipa-sailalim sa DNA Test.

Iginiit ni David na Pilipino ang nanay ni Guo at iniwan lamang nito noon ang alkalde.

Sinabi rin ng abogado na mayroon naman umanong nakatagong litrato sa album ang ina ng Bamban Mayor at ilalabas nila ito sa susunod na hearing ng Senado.

 

 

About The Author