dzme1530.ph

FIFA world cup 2026, may mga pagbabagong ipapatupad

May ilang pagbabago na ipapatupad sa FIFA World Cup na gaganapin sa Estados Unidos, Canada at Mexico sa taong 2026.

Ayon sa FIFA kanila nang inaprobahan ang pinalawig na format ng torneyo kung saan mayroon nang kalahok na 48 teams.

Sa kasalukuyan, may 64 na laro lamang ang FIFA pero sa 2026, ito ay magiging 104 matches na kung mula sa dating walong grupo, ito ay dinagdagan at ginawa nang 12.

Ang bagong format ay napagkasunduan at inaprubahan ng FIFA sa isinagawang council meeting sa Kigali, Rwanda kung saan ay tiniyak na bawat koponan ay makakapaglaro ng minimum na tatlong laro at mababalanse ang kanilang mga pahinga sa bawat laro.

About The Author