dzme1530.ph

El Niño, mararamdaman pa rin hanggang Agosto

Mararamdaman pa rin ang epekto ng El Niño hanggang Agosto ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum Jr.

Lumabas sa pagtaya ng DOST na mayroong 48 probinsya sa pilipinas ang patuloy na makararanas ng tagtuyot at 24 naman ang makararanas ng dry spell hanggang Abril, habang 54 na probinsya naman ang makararanas ng tagtuyot hanggang Mayo.

Mayroon ding mga probinsyang sabay na makararanas ng El Niño at La Niña ayon sa DOST.

Samantala, mayroon namang El Niño Southern Oscillation Platform ang DOST katulong ang PHILVOCS at DOST-PAGASA na nakaplanong tugunan ang mga sektor pagkain, tubig, public safety at energy.

—sa panulat ni Judea Bernardo

About The Author