Tiwala si Finance Secretary Ralph Recto na posibleng lumago ng anim na porsyento ang ekonomiya ng Pilipinas sa unang quarter ng 2025.
Sakaling maabot ang 6% na gross domestic product (GDP) growth para sa unang tatlong buwan ng taon, mas mabilis ito kumpara sa revised 5.9% expansion noong Enero hanggang Marso ng 2024.
Una nang tinaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na posibleng tamaan ng bansa ang lower-end ng 6 to 8% na paglago sa unang bahagi ng 2025 hanggang 2026.
Mananatili namang banta ang itinaas na taripa ng US sa pagkamit ng Pilipinas sa growth targets.