dzme1530.ph

EJ Obiena, mariing pinabulaanang nag-komento ito sa personal na buhay ni Carlos Yulo

Nagsalita na si World’s no. 3 pole vaulter Ej Obiena sa nag viral na pahayag ukol sa umano’y pagpuna nito kay two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo.

Mariing pinabulaanan ni Obiena na nagkomento siya sa personal na buhay ni Yulo, at hindi niya talaga ito gagawin dahil sa sila’y matagal nang magkaibigan.

Misleading umano ang mga lumabas na balita laban kay Caloy kung san iniuugnay ang kanyang pangalan.

Binigyan diin ni Obiena na nirerespeto niya ang achievements na narating ni Yulo sa Gymnastics, at ang determinasyon nitong mag-focus para sa mga darating pang torneo.

Apila na lamang ni Obiena sa lahat, ituloy ng publiko ang pag-cheer sa mga atleta sa halip na magpakalat ng maling drama para lang makakuha ng advertising space. —sa panulat ni Ed Sarto

About The Author