Mananatiling operational ang EDSA Busway kahit sasailalim ang pangunahing kalsada sa rehabilitasyon, ayon sa Department of Public Works and Highways – National Capital Region.
Inihayag ng pamahalaan na ang rehabilitation works ay bahagi ng hosting preparations ng bansa para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa susunod na taon.
Sa statement, tiniyak ng DPWH-NCR na magiging operational pa rin ang EDSA Bus Carousel bagaman pansamantala itong ililipat sa adjacent lane habang ang EDSA bus stations ay mananatiling bukas para sa mga commuter.
Sa sandaling maisaayos na ang isinarang segments mula sa first lane, ibabalik ang EDSA bus lane sa original na lane upang ma-accommodate ang regular nitong operasyon.
Sinabi ng DPWH-NCR na sa katapusan ng Marso ay sisimulan ang rehabilitasyon sa isang segment sa northbound portion mula sa boundary ng Quezon City at Caloocan sa Monumento.