dzme1530.ph

DPWH, sinisilip kung may kinalaman ang disenyo sa pagbagsak ng tulay sa Isabela

Loading

Hindi pa tukoy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang dahilan ng pagbagsak ng Cabagan-Sta. Maria Bridge sa Isabela.

Gayunman, kabilang sa sinisilip ng mga awtoridad ay ang katatagan ng disensyo ng naturang tulay.

Sinabi ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na unique ang design ng bumagsak ng tulay, at unang beses siyang nakakita ng ganito.

Napansin ng ahensya na solid steel beams ang ginamit para suportahan ang tulay, sa halip na cable strands.

Tinukoy ng DPWH ang private consortium na UTCP at isang Engineer Albert Cañete ang nasa likod ng disenyo ng tulay.

Feb. 27 nang bumagsak ang Cabagan-Sta. Maria Bridge matapos dumaan ang isang dump truck na nagresulta rin sa pagkakasugat ng anim na indibidwal.

About The Author