![]()
Hiniling ni Marikina City Mayor Maan Teodoro sa Department of Public Works and Highways na i-turn over na sa lokal na pamahalaan ang operation ng pumping stations sa Marikina City na hindi pa rin naibibigay sa kanila.
Tinukoy ng alkalde ang Tumana Pumping Station na hindi napagana kahapon na dapat sana ay nakatulong agad sa pagpapababa ng tubig dulot ng pag-apaw ng creek sa lugar.
Sa panayam ng ME Radio TV, sinabi ni Teodoro na mas madali sa LGU ang pagmamantina, pag-monitor at regular na pag-check sa pumping stations.
Tiniyak ni Teodoro na tuloy-tuloy ang kanilang mga hakbangin upang maiwasan ang pagbaha sa lungsod.
