DZME1530

Dolly de Leon, dumalo sa 95th Annual Academy Awards sa California

Dumalo ang Filipina actress na si Dolly de Leon sa 95th Annual Academy Awards sa Hollywood, California

Sa kanyang Instagram stories, ibinahagi ni de Leon ang ilang litrato sa Most Celebrated Celebrity Event sa United States.

Umattend pa rin sa Oscars si Dolly kahit hindi siya kabilang sa list of nominees para sa Best Supporting Actress sa pagganap niya sa “Triangle of Sadness” na tumanggap ng nominasyon para sa Best Picture at Best Original Screenplay sa 95th Academy Awards.

Nominated din ang Swedish filmmaker na si Ruben Östlund bilang Best Director.

Samantala, humakot ng naman ng 7 Awards sa Oscars ang pelikulang “Everything Everywhere All at Once,” kabilang ang Best Picture, Best Actress, Best Supporting Actress, Best Supporting Actor, Best Director, Best Original Screen Play, at Best Film Editing.

Si Michelle Yeoh ang kauna-unahang Asian na nanalo ng Best Actress Award sa Oscars habang si Brendan Fraser naman ang itinanghal na Best Actor para sa pelikulang “The Whale.”

About The Author