dzme1530.ph

DOH, hinimok bumalangkas ng pangmatagalang istratehiya sa paghahanda sa pagharap sa infectious diseases

Bukod sa pagbabakuna, hinimok ni Sen. Christopher ‘Bong’ Go ang Department of Health (DOH) at iba pang ahensyang may kinalaman sa kalusugan na bumuo ng pangmatagalang istratehiya para sa kahandaan sa pagharap sa mga infectious diseases.

Kasabay nito, muling nanawagan si Go sa mga magulang na suportahan ang vaccination drive ng gobyerno lalo na ngayong tumataas ang kaso ng pertussis o whooping cough sa bansa.

Sinabi ni Go na nagpapatuloy na ang vaccination drive ng pamahalaan at libre itong ibinibigay ng DOH bilang proteksyon sa mga bata.

Muli ring iginiit ni Go ang pangangailangang isaayos ang healthcare infrastructure, pagsasagawa ng aktibong kampanya para sa pagpapabakuna, at pagpapatibay ng tulungan ng mga ahensya ng gobyerno, mga healthcare providers at ng komunidad.

Sa datos, mula Enero hanggang Marso, ngayong taon ay nakapagtala sila ng 1, 112 na kaso ng Pertussis at 54 ang namatay na karamihan ay mga bata.

About The Author