dzme1530.ph

DOE, pinakikilos na ng pangulo kasunod ng itinaas na red at yellow alert sa Luzon Grid

Pinakikilos na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Energy (DOE) kasunod ng itinaas na red at yellow alert status sa Luzon Grid, na posibleng magdulot ng brownout sa maraming lugar.

Sa post sa kaniyang X account, inatasan ng Pangulo ang DOE na tumutok at makipag-ugnayan sa stakeholders upang tugunan ang sitwasyon.

Bukod dito, inutusan na rin ang lahat ng tanggapan ng gobyerno na magtakda ng standards sa pagtitipid ng kuryente.

Kasabay nito’y hinikayat ang lahat na mag-adopt ng energy-efficient practices.

Iginiit ng Pangulo na napakahalaga ng pagtutulungan ng lahat upang matiyak ang stable na suplay ng kuryente sa mga susunod na araw.

About The Author