dzme1530.ph

Disqualification case, isinampa laban sa magkapatid na Erwin at Ben Tulfo, at 3 pang miyembro ng pamilya

Loading

Sinampahan ng disqualification case ang magkapatid na senatorial candidates na sina ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo at Broadcaster Ben Tulfo, gayundin ang tatlo pang miyembro ng kanilang pamilya.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ira-raffle ang kaso na inihain ng petitioner na kinilalang si Virgilio Garcia sa dalawang dibisyon ng poll body ngayong Martes.

Bukod kina Ben at Erwin, kabilang din sa disqualification petition sina ACT-CIS Rep. Jocelyn Pua-Tulfo, Quezon City 2nd District Rep. Ralph Wendel Tulfo, at Turismo party-list Nominee Wanda Tulfo-Teo.

Tinukoy ng petitioner ang mga respondent bilang mga miyembro ng aniya ay political dynasty, na ground para sa naturang petisyon.

Binigyang diin pa nito na ang limang respondents ay mayroong kaugnayan kay incumbent Senator Raffy Tulfo na nasa “first or second civil degree of consanguinity or affinity.”

About The Author